Panuto. Basahin ang mga tanong at piliin ang titik na may tamang kasagutan at isulat sa
patlang.
______1. Anong uri ng kawayan ang ginagamit sa pagbuo ng kagamitang pang musika?
A. Bayong B. Anos C. Giant bamboo D. Botong
______2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paraang ginagawa sa kawayan upang ito
ay pumuti?
A. Bleaching B. Pyrography C. Skinning D. Cleaning
______3. Ano ang proseso sa paglalagay ng disenyo sa kawayan gamit ang mainit na kawad?
A. Drawing B. Sketching C. Pynography D. Bayog
______4. Anong uri ng kawayan ang ginagawang balsa?
A. Giant bamboo B. Botong C. Anos D. Bayog
______5. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa paggawa ng flute?
A. Botong B. Boho C. Bayog D. Bikal
______6. Alin sa mga sumusunod na lokal na materyales ang ginagawang Barong Tagalog?
A. hibla ng pinya B. hibla ng niyog C. hibla ng rattan D. balat ng kahoy
______7. Ano ang materyales na pwedeng gawing lamesa?
A. kahoy B. lata C. Ginto D. Pilak
______8. Alin ang materyales na nakikita a tabing dagat na pwedeng gawing kwintas.
A. tansan B. kabibe C. kabute D. botong
______9. Anong uri ng kawayan ang yumuyuko at may bulaklak?
A. Bikal B. Boho C. Boyoy D. Botong
______10. Alin ang pwedeng gawing sofa sa silid tanggapan?
A. Rattan B. Liso C. Hibla ng pinya C. balat ng kahoy
No comments:
Post a Comment