Grade 6 Araling Panlipunan

 I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

_____1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng

Amerika?

A. Elpidio Quirino                              C. Rodrigo R. Duterte

B. Manuel A. Roxas                            D. Emilio Aguinaldo

_____2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit

may kasamang kondisyon?

A. Bell Trade Act

B. National Defense Act

C. Republic Act ng 1987

D. Philippine Rehabilitation Act of 1946

_____3. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang

Amerikano?

A. Mapaunlad ang mga ito.

B. Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa.

C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito.

D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.

_____4. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman?

A. Batas Militar                     C. Base Militar

B. Parity Rights                      D. Philippine Rehabilitation Act

_____5. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa

Amerika?

A. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho.

B. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa.

C. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas

dahilan ng pagkawasak sa digmaan.

D. makuha ang bansang Amerika.


B. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat angTAMA kung ito ay nagpapahiwatig ng

reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights,

Kasunduang Base Militar at isulat ang MALI kung hindi.

_____6. Nagkaisa ang lahat ng Pilipino na sundin ang kasunduan.

_____7. Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa kasunduan.

_____8. Mas malaki ang kinita ng mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.

_____9. Umunlad ang pangangalakal at industriya.

_____10. Umani ng matinding batikos ang administrasyong Roxas.

II. A. Iguhit ang Kung nagpapakita ng panlabas sa soberanya ang pangungusap at

kung hindi naman nagpapakita


_______11. May kapangyarihan ang pangulo ng bansa na tumanggi sa pananakop ng

ibang bansa.

_______12. Mahalaga ang soberanya sa pagpapanatili ng kalayaaan ng bansa.


_______13. Ang kapangyarihang pamahalaan ng bansa at kapangyarihang makapagsarili

ay mga katangian ng isang Malaya at may soberanya.

_______14. Ang soberanyang panlabas ay nangangahulugan na maaaring pamunuan ng

pangulo ng ibang bansa ang Pilipinas.

_______15. Hinahayaan ng Pangulo ng Pilipinas ang pagmamaltratong ginagawa sa mga

OFW sa ibang bansa.

B. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong.

_____16. Ang mga sumusunod ay mga elemento sa bawat estado maliban sa ______.

A. Mamamayan C. Teritoryo

B. Pamahalaan D. Kayamanan

_____17. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng estadong pasunurin ang lahat ng mga tao

at pamahalaan, ang lahat na tao at bagay sa loob ng teritoryo nito sa

pamamagitan ng iba’t ibang mga ahensiya sa gobyerno?

A. Soberaniyang Panlabas C. Kapangyarihang Pampulisya

B. Soberaniyang Panloob D. Kapangyarihan ng Estado

_____18. Ang Soberanyang Panlabas ay ang kalayaan ng estadong itaguyod ang lahat ng

gawain at naisin ng bansa tungkol sa ekonomiya, edukasyon, buwis at __________.

A. suliranin C. kalayaan

B. hanapbuhay D. salapi

_____19. Ang Pilipinas ay nakikilahok sa pagbibigay-pasya sa isang isyu sa Samahan ng

Bansang Nagkakaisa. Anong karapatan ng bansa ang tinutukoy dito?

A. Karapatang makipag-ugnayan

B. Karapatang makapagsarili

C. Karapatang mamamahala sa nasasakupan

D. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan

_____20. May karapatan ang Pilipinas na atasan na magkaloob ng personal na paglilingkod

na military o sibil ang mga mamamayan nito. Anong karapatan ng bansa ang tinutukoy dito?

A. Karapatang makipag-ugnayan

B. Karapatang makapagsarili

C. Karapatang mamamahala sa nasasakupan

D. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan

No comments:

Post a Comment