Grade 6 Edukasyon Sa Pagpapakatao

 I. Isulat mo ang P kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman kung hindi.


_____1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-uwi ng medalya para sa bansa.

_____2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.

_____3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap na mairepresenta ang bansa sa South East Asian (SEA) Games.

_____4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.

_____5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.

_____6. Inspirasyon ni Norman si Manny Pacquiao dahil sa sakripisyo at pagtitiyaga nito upang maiahon ang pamilya sa hirap.

_____7. Mahilig magbasa si Ray ng mga talambuhay ng mga bayaning Pilipino.

_____8. Mas kinagigiliwan ni Lorien ang mga Koreana at Amerikana kaysa sa kababayang Pilipino.

_____9. Pinamamarisan ni Nami ang kasipagan at pagkamadasalin ng kaniyang Pilipinong idolo.

_____10. Ipinagawa si Sanji sa kaniyang kapatid ang takdang-aralin na tungkol sa mga matatagumpay na Pilipino dahil wala siyang alam tungkol dito.


II.  Gumuhit ng masayang mukha (😊) kung ito ay nagpapakita ng mabuting katangian at malungkot na mukha () naman kung hindi. 


_____1. Hindi iniinda ni Rossette ang kaniyang kapansanan sa paglakad upang matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

_____2. Bagama’t ilang beses na nalugi ang negosyo ng mag-asawang Dela Cruz, hindi pa rin sila pinanghinaan ng loob at patuloy pa ring nagpupursigi.

_____3. Madalas bumili ng mga mamahaling gamit at pagkain si Joed dahil katwiran niya ay mayaman naman ang kaniyang mga magulang.

_____4. Araw-araw nag-eensayo si Kaloy ng basketball nang sa gayo’y makakuha siya ng scholarship at maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

_____5. Masikap na hinahasa ni Joaquin ang kaniyang kakayahan sa paglangoy upang makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

_____6. Ayaw matuto ni Colin ng mga gawaing bahay dahil may katulong naman ang pamilya niya.

_____7. Hindi dumadalo sa pag-eensayo ng sayaw si Olivia dahil naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kakayahan.

_____8. Simula nang bumagsak si Gabriel sa kaniyang pagte-training ay tuluyan na siyang sumuko sa pangarap na maging bumbero.

_____9. Pangarap ni Althea na maging isang tanyag na manunulat kaya maluwag niyang tinatanggap at pinakikinggan ang mga puna at komento tungkol sa kaniyang gawa upang mapaunlad ang kaniyang kakayahan.

_____10. Matiyagang pinagsasabay ni Basilio ang pag-aaral at pagtatrabaho upang maiahon niya sa kahirapan ang kaniyang pamilya.



No comments:

Post a Comment